612

Dec 8, 2021 @ 16:17
By

Defensor: Paumanhin sa mabigat na daloy ng trapiko dahil sa Marcos-Sara motorcade

Libo-libong suporter nina UniTeam presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr., at running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte ang dumagsa sa Quezon City ngayong Miyerkoles.

Humingi naman ng paumanhin si Quezon City mayoral aspirant at Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa mga naapektuhan ng mabigat na daloy ng trapiko.

“Humihingi ako ng paumanhin sa matinding traffic dahil unexpected talaga ang turnout sa sobrang dami ng mga taong nakiisa. Lumabas talaga sa kalsada ang mga ordinaryong mamamayan. Nakakalungkot na hindi tayo pinayagan na gawin ang ating aktibidad sa loob ng Quezon Memorial Circle,” sabi ni Defensor.

Nagsimula ang aktibidad sa isang meet-and greet sa tapat ng Commission on Audit (COA) sa Commonwealth Avenue. Ang motorcade ay nag-U turn sa Fairview bago binagtas ang kahabaan ng Commonwealth Avenue patungong Quezon Avenue. Nagtapos ito sa Welcome Rotunda, ang boundary ng QC at Maynila.

Si Defensor, ang running mate nitong si Councilor Winnie Castelo, House Majority Leader at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Quezon City Representatives Precious Castelo at Onyx Crisologo, dating Quezon City Rep. Bingbong Crisologo ang ilan lamang sa nasa likod ng motorcade.

Nangako naman si Defensor na ibibigay ang mayorya ng boto ng Quezon City kay Marcos at Duterte.

Kung sa 1.3 milyong botante umano ng lungsod ay 1 milyon ang boboto, sinabi ni Defensor na aabot sa 750,000 ang maibibigay nitong boto kay Marcos at Duterte.

Nagpahayag din ng paniniwala si Defensor na ang disqualification case laban kay Marcos ay harassment lamang.

“Iyung machinations na iyan is just to take out BBM na alam naman nating panalo na sa darating na halalan,” dagdag pa ni Defensor. “The only chance of the opponent or a candidate to win is to disqualify BBM, other than that panalo na si BBM.”

Si Marcos ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) samantalang si Duterte ang vice presidential candidate ng Lakas-Christian Muslim Democrats. (Billy Begas)

Si Marcos ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) samantalang si Duterte ang vice presidential candidate ng Lakas-Christian Muslim Democrats.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?