432

By

Defensor: Kahihinatnan ng ABS-CBN, nasa kamay ni Duterte

Nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ng prangkisa ng ABS-CBN.

Paglilinaw ito ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa pagsasabing aprubahan man ng Kongreso ang prangkisa ng naturang TV network, maari pa rin itong baligtarin o i-veto ng pangulo.

Gayunpaman, paniniyak ng kongresista na magiging patas ang Kongreso at handa nitong pakinggan ang magkabilang panig sa isasagawang pagdinig ukol dito.

Ngunit anuman umano ang magiging desisyon, aprubahan man o hindi ay nakabukas itong baguhin ng Pangulo.

“I think the request is for everyone to be heard. Tingin ko para legally compliant, kaya kailangan magkaroon ng hearing para lang magkaroon ng desisyon kung i –renew o kung hind i-renew.Assuming inaprubahan ng komite, inaprubahan ng plenary, the president can always veto the bill,” paglilinaw ni Defensor sa isang briefing.

Una nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, sisimulan na ang pagdinig ukol sa usapin sa unang linggo ng Pebrero

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?