27

Dec 3, 2021 @ 13:20
By

Defensor inihain panukalang alokasyon bahagi ng buwis sa mga barangay

Naghain si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ng panukala na naglalayong maglaan ng 1 porsiyento ng bahagi ng local government mula sa mga pambasang buwis sa programang pangkalusugan ng barangay.

Bukod sa mga programang pangkalusugan, sinabi ni Defensor na maaari ding gamitin ang alokasyon para gawing regular ang mga barangay health worker (BHWs) at mabigyan sila ng benepisyo.

Binigyang-diin ni Defensor ang kahalagahan ng mga BHW na nagsisilbing pangunahing tagapag-alaga ng pampublikong kalusugan.

Ang House Bill 4411 ay naglalayong amyendahan ang Local Government Code of 1991 (Republic Act 7160).

Dagdag ni Defensor, ang mga local government unit (LGUs) ay tumatanggap ng 40 porsyento ng mga buwis na kinokolekta ng pambansang pamahalaan.

At sa ilalim ng panukala ni Defensor, 1 porsyento ng 40 porsyento ay ilalaan lamang sa mga programang may kinalaman sa kalusugan ng barangay kabilang ang regularisasyon ng mga barangay health worker, kanilang mga allowance, at iba pang benepisyo. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?