193

Nov 19, 2021 @ 15:37
By

Defensor gagawing ‘most bike-friendly city’ ang QC

Naghain ng panukala si Anakalusugan Rep. Mike Defensor para sa pagkakaroon ng mas agresibong cycling infrastructure development plan sa gitna ng mataas na presyo ng langis at dumaraming Pilipino na nagbibisikleta dahil sa takot na mahawa ng COVID-19.

Iginiit ni Defensor ang pangangailangan na pag-ibayuhin pa ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ugnayan nito upang makabuo ng ligtas at maayos na daraanan ng mga siklista.

Bukod sa pagdidisenyo at pagtatayo ng mga bicycle lane, nakasaad sa panukalang Bike-Friendly Communities Act (House Bill 10396) ang paglalagay ng mga parking rack, off-street shelter, service center at mga akmang traffic sign at signal.

Ang lahat ng pampublikong lugar, ahensya ng gobyerno, eskuwelahan, mga malalaking negosyo gaya ng mall, bangko, restaurant at ospital ay dapat maglagay ng bicycle parking rack.

Nangako rin si Defensor na gagawing “most bike-friendly city in Metro Manila” ang Quezon City kung saan siya tumatakbong alkalde.

“We envision the city having the best system of bicycle lanes and parking services integrated with commuter hubs such as light rail transit terminals,” dagdag pa ni Defensor.

Sinabi ni Defensor na nais niya na ang lungsod Quezon ang magkaroon ng pinakamaraming bicycle-friendly workplace at mall.

Noong 2020, ang Pasig, San Juan at Marikina ang kinilalang “most bicycle-friendly cities in Metro Manila” sa kauna-unahang Mobility Awards.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?