236

By

Defense official inaresto sa bribery sa Saudi Arabia

Sharing is caring!

Dinakip ng mga awtoridad sa Saudi Arabia ang isang Defense Ministry official dahil sa pagtanggap umano nito ng $260,000 na suhol.

Ayon sa report ng state-run Saudi Press Agency, inaresto ang opisyal at dalawa pa dahil sa bribery na nagkakahalaga ng 1 million Saudi riyals.

Hindi naman binanggit sa report ang pagkakakilanlan ng mga inaresto pero ang nangyaring bribery umano ay sa pagitan ng Defense Ministry at isang commercial company.

Si Saudi Arabia Crown Prince Mohammed bin Salman umano ang nagsusulong ng corruption cases laban sa mga hinuli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?