21
views
germany1
By

Defending champs Germany sibak na sa 2018 World Cup

Sharing is caring!

Maagang nagpaalam ang Germany sa FIFA World Cup 2018 matapos silang matalo ng South Korea 2-0 Miyerkoles (oras sa Pilipinas) sa Kazan, Russia.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 80 taon na nalalaglag sa unang round ang Germany at bigong makatungtong sa last 16 ng torneo.

Unang naka-score si Kim Young-Gwon sa ikatlong minuto ng injury time at unang tinawagan sa offside pero binigay na rin ang goal dito.

Sa ikaanim na minuto ng injury time ay naka-goal din si Son Heung-Min para maingat ang score sa 2-0.

Kahit nagawang manalo ng South Korea kontra defending champions ay hindi pa rin nito kinaya ang makasungkit ng spot sa last 16 ng torneo.

Bukod sa Germany, noong 2002 ay maagan ding nagpaalam ang noo’y defending champ na France, 2010 ang Italy at noong 2014 naman ang Spain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?