58
roger-federer
Jan 20, 2019 @ 21:31
By

Defending champ Federer pinataob ni Tsitsipas

Tinalo ni Stefanos Tsitsipas si two-time defending champion Roger Federer sa fourth round ng Australian Open, at si Tsitsipas ang unang player mula sa Greece na Grand Slam quarterfinalist.

Sa laban ng pinakamatanda at pinakabata sa men’s draw, tinapos ni Tsitsipas si Federer, 6-7(11), 7-6(3), 7-5-7-6(5).

Si 37-year-old Federer ay may set point sa ika-10 laro sa second para sa 2-0 lamang ngunit si Tsitsipas ay nag-service winner.

Ani 20-year-old Tsitsipas, siya ang pinakamasayang tao ngayon sa buong mundo. “I’m the happiest person on earth right now,” ani Tsitsipas.

Kanyang makakalaban sa susunod ay si Roberto Bautista Agut, na tumalo kay 2018 runner-up Marin Cilic sa limang set para makatuntong sa quarterfinals sa unang pagkakataon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?