13

Oct 13, 2021 @ 18:07
By

Dedo sa PH COVID sumipa sa 40K

Umabot na sa mahigit 40,000 katao sa Pilipinas ang nasawi dahil sa coronavirus.

Ayon sa Department of Health, naitala ang death toll sa 40,069 matapos mamatay ang 173 pasyente.

Pumatak naman sa 82,411 ang aktibong kaso nang panibagong 7,181 ang magpositibo sa virus nitong Miyerkoles.

Ikatlong sunod na araw na itong mababa sa 9,000 ang bagong COVID case.

Samantala, pumalo sa 2,567,975 ang kabuuang nakarekober sa COVID nang 6,889 pasyente ang bagong maka-survive sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?