7

Oct 14, 2021 @ 15:36
By

Dedo kay ‘Maring’ tumalon sa 19

Umakyat sa 19 ang death toll dahil sa bagyong Maring.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 19 ang kumpirmadong patay habang bina-validate pa ang 11.

14 sa biktima ay mula sa Ilocos Sur, siyam sa Benguet, apat sa Palawan, dalawa sa Cagayan at isa sa Pangasinan.

Samantala, 14 ang iniulat na nawawala, kung saan 13 ang kumpirmado habang ang isa ay bina-validate pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,