47

Oct 12, 2021 @ 20:46
By

Dedo kay ‘Maring’ akyat sa 11

Umabot na sa 11 ang nasawi habang pito ang nawawala sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Maring.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlo katao rin ang iniulat na sugatan.

Kabuuang 19,147 katao naman ang apektado ng bagyo habang 3,221 residente ang nasa mga evacuation area.

Iniulat ang 14 landslide sa Region 1, Region 2, MIMAROPA, Region 6, CARAGA at CAR.

Nasa 44 kalsada at sampung tulay naman ang hindi madaanan sa Region 1, Region 2, MIMAROPA at CAR.

Sabi ng PAGASA, lumabas na sa Philippine area of responsibility kaninang alas-11 ng umaga si “Maring” at inaasahang babagsak sa Hainan, China bukas ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?