291

Feb 24, 2020 @ 15:05
By

Dedma kay Mommy Divine? Sarah, Matteo nakipag-bonding kina Juday, Ryan

Matapos ang kontrobersiyal nilang civil wedding, dinalaw ng newlywed na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang celebrity couple na sina Judy Santos at Ryan Agoncillo.

Naging malapit si Sarah kay Juday dahil naging magkapatid sila sa 2010 movie na “Hating Kapatid” habang si Matteo naman at Ryan ay kapwa mahilig sa triathlons.

Sa Instagram post ni Bianca Rufino, makikita ang ngiti sa mga labi nina Sarah and Matteo sa kabila ng isyu tungkol sa kanilang lihim na kasal.

Nakipag-BBQ bonding sila noong Linggo sa bakuran nina Judy Ann at Ryan kasama ang iba pa nilang kaibigan.

“Celebrating life. Thank you for the yummy backyard bbq feast @officialjuday @ryan_agoncillo & cutie Agoncillo babies. Congratulations again @justsarahgph @matteog ! Nothing but love #ashmatt strong,” caption ni Rufino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?