24

Jan 19, 2019 @ 17:28
By

Dedma kahit sikat! Federer hinarang ng guard sa Australian Open

Kahit pa rank number 3 sa Association of Tennis Professionals, hindi pa rin nakaligtas si Roger Federer sa matinding ‘depensa’ ng isang guwardiya sa Australian Open.

Sa footage na nag-viral sa social media, kita kung papaano sinita ng isang guard si Federer habang papasok ito sa hallway patungong locker room.

Sinenyas ng security personnel na kakailanganin nito ang accreditation o ang ID para makalusot kaya’t napahinto si Federer para hintayin ang kanyang crew.

Bawat manlalaro, coach, player, media, at opisyal sa nasabing Grand Slam tournament ay binibigyan ng ID o accreditation na magsisilbing access sa mga pasilidad sa kasagsagan ng torneo.

Kabilib-bilib naman ang naging tugon ni Federer, hindi na nagreklamo at tahimik na tumayo sa gilid para makapasok na kasama ang kanyang team.

Sa torneo, haharapin ni Federer si Stefanos Tsitsipas sa fourth round at posibleng makalaban ang isa sa mananalo kina Marin Cilic at Roberto Bautista Agut.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?