176

Dec 8, 2019 @ 14:28
By

Dedma kahit may gold medal! Tsukii binu-bully ng coach

‘Di masaya si karatedo star Junna Villanueva Tsukii kahit naka-gold medal pa sa PH 30th Southeast Asian Games 2019.

Nilantad ng Fil-Japanese athlete sa kanyang FB account na dinedma lang siya ni national coach Okay Arpa ng Turkey tapos ng kanila nang matagumpay niyang kompetisyon.

Ayon sa 28-year old Fil-Japanese karateka, binully pa siya ni Arpa. “Because you are not part of the team, that’s why your medal is not for this team or not for this country. And for me you are dead, that’s why I can’t see you because you are dead,” pagsisiwalat ni Tsukii sa asal sa kanya ng Turkish.

Nagdamdam aniya si Arpa nang sumali siya sa World Karate Federation Premier League sa Madrid nitong Nobyembre.

Sa kabila ng negatibong pangyayari sa SEA Games, buo pa rin ang suporta niya sa kanyang inang bayan, ang ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?