31

May 11, 2021 @ 9:50
By

Dedma kahit malaki offer sa iba! Brownlee abangers sa Ginebra

Sa oras na payagan muli ang import sa PBA, bibiyahe agad pabalik ng ‘Pinas si Justin Brownlee.

Ayon kay Ginebra head coach Tim Cone, nakaantabay lang si Brownlee sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic sa bansa para muling maglaro sa kanilang koponan.

Dapat ay kasali sa bubble si Brownlee bilang guest, ngunit hindi ito nangyari dahil sa pinatupad na lockdown.

Hinambing ni Cone si Brownlee kay Sean Chambers, na naging resident import ng Alaska noong siya pa ang coach.

“And that’s what Justin has done for us as well. He builds everything around his Ginebra stay even when he is offered more money elsewhere. I know he has been offered more money elsewhere sometimes,” ayon kay Cone sa ‘Zoom In’ ng Spin.ph.

Apat na kampeonato ang nahatid ni Brownlee sa Ginebra, naging Best Import awardee pa noong 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?