21

Mar 27, 2020 @ 21:07
By

Decontamination station vs coronavirus inilatag sa PNP

Para matiyak ang kaligtasan ng mga pulis na nasa national headquarters, itinayo ang walk-thru decontamination station sa pedestrian entrance sa Camp Crame sa Quezon City.

Layon nito na i-disinfect muna ang lahat ng bibisita sa kampo.

Mahigpit na ipinag-utos ni PNP Chief, Gen. Archie Gamboa na gumawa ng safety measures para maproteksyonan mula sa virus ang tahanan ng pulisya.

Halos araw-araw ay nagpupulong ang mga senior official sa Kampo na pinamunuan naman ni Police Lt. Gen. Camilo Cascolan, Deputy Chief for Administration, kasama ang PNP Health Service (PNP-HS), sa pagbuo ng Biosafety Plan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?