201

Dec 29, 2017 @ 18:48
By

Dec. 8 idineklarang special non-working holiday ni Duterte

Kasama na sa listahan ng mga pista opisyal ng bansa ang December 8 , ang Feast of the Immaculate Concepcion of Mary na ipinagdiriwang ng mga Katoliko.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang Republic Act 10966, na nagtatakda bilang special-non working holiday sa buong bansa ang December 8 para ipagdiwang ang kapistahan ng Immaculate Concepcion of Mary, ang kinikilalang patroness ng Pilipinas.

Pinirmahan ng Pangulo ang batas noong December 23, 2017.

Naipasa ang panukalang batas sa kamara noong buwan ng Mayo at nito lang Disyembre nakalusot sa senado.

Ang panukalang batas ay inakda ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na isinumite noong December 12,2016.

Inasahan ng mga debotong katoliko na maihabol ang batas nitong December 8 subalit hindi nangyari dahil hindi agad naipasa sa Senado.

Ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang feast of the Immaculate Concepcion of Mary sa pamamagitan ng pagdalo ng misa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?