71
divorce
By

Debate sa divorce bill sa Kamara, sisimulan sa Marso

Sharing is caring!

Kumpiyansa si Albay Rep. Edcel Lagman na mabilis na papasa sa Kamara ang divorce bill.
Ito’y dahil wala naman anyang “strong opposition” ang mga mambabatas sa nasabing panukala.
“I assure you this bill is easier to enact than the reproductive health bill,” ani Lagman.
Sabi ni Lagman, head ng TWG na nagco-consolidate sa apat na naihaing divorce bills sa Kamara, target nilang mai-akyat ang substitute bill sa plenaryo bago ang March 8 o International Day for Women.
Sa ilalim ng mga panukalang nagsusulong ng diborsyo sa Pilipinas, gagawing mas mura, mas mabilis at mas madali ang paghihiwalay para sa mga mag-asawang hindi na maayos ang pagsasama.
Kaugnay nito’y nagpahayag naman nang pagtutol ang kasamahan ni Lagman sa independent minority na si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano.
Katuwiran nito, sisirain ng diborsiyo ang kasagraduhan ng kasal at magpapahina ito sa pamilya bilang isang pangunahing institusyon sa lipunan.
“Mas marami rin maghihiwalay because divorce will be very convenient. Kawawa diyan ang mga anak,”  ayon kay Alejano.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?