225

May 7, 2021 @ 15:53
By

Debate kay Roque walang saysay – Carpio

Nilarawan ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ‘useless exercise’ ang debate na inatrasan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes.

Matatandaan na inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque na inabisuhan umano ang Pangulo ng kanyang cabinet member at ilang senador na huwag ituloy ang debate kay Carpio ukol sa pinag-aagawang teritoryo sa Pilipinas.

Ayon kay Roque, siya umano ang rerepresenta kay Duterte sakaling matuloy ang debate.

Ngunit ayon kay Carpio, wala naman umanong basehan ang mga bintang ng Duterte administration sa kanya na sangkot umano ang dating SC Justice sa pagkasakop daw ng China sa Scarborough Shoal at Mischief Reef.

“There is no factual dispute that China seized Scarborough Shoal from the Philippines during the Aquino Administration. There is also no factual dispute
that China seized Mischief Reef from the Philippines during the Ramos Administration,” saad ni Carpio.

“Further, there is no factual or legal dispute that China seized Scarborough Shoal and Mischief Reef in violation of international law,” aniya pa.

Dito sinabi ni Carpio na walang saysay na magkaroon ng debate tungkol sa Scarborough Shoal at Mischief Reef dahil mawawala lang ang interes ng publiko sa mga isyu tungkol sa West Philippine Sea.

“I am ready to debate with the President or with anyone he may designate on the factual accuracy and adverse legal implications to the Philippines of the President’s repeated claim that ‘China is in possession of
the West Philippine Sea,'” lahad pa ng abogado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?