654

Sep 30, 2018 @ 21:51
By

Death toll sa lindol, tsunami sa Indonesia, abot sa 832

Umakyat na sa 832 katao ang namatay sa naging lindol at tsunami sa Central Sulawesi, Indonesia, base sa news conference nitong Linggo, Setyembre 30.

Sa ginawang pag-rescue sa walong palapag na Roa-Roa Hotel na pinabagsak ng magnitude 7.5 na lindol at 10-foot na tsunami, sinabi ni Muhammad Syaugi, head ng Indonesia’s search and rescue agency, na may mga naririnig umanong sumisigaw sa ilalim ng gumuhong hotel.

“I can still hear the voices of the survivors screaming for help while inspecting the compound,” saad ng local online news portal na Detik.com, sinabing tinatayang 50 katao pa ang na-trap sa loob.

Ayon naman sa disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho, patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga nawawala dahil sa nasabing trahedya.

“The death is believed to be still increasing since many bodies were still under the wreckage, while many have not been reached,” pakli ni Nugroho.

Ang ilan namang apektado ay namataang kumukuha ng mga gamit sa isang mall na lubhang napinsala, samantalang ang iba ay bumabalik sa kanilang mga bahay upang kunin ang ilang mga gamit puwede pang masalba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?