171

Dec 23, 2017 @ 18:05

Death toll sa bagyong Vinta pumalo na sa 133

Naitala na sa 133 ang namatay sa bagyong Vinta matapos makakuha ng dose-dosenang bangkay ang mga rescuers sa umapaw na ilog.

Nagresulta ng mataas na pagbaha at pagragasa ng makapal na putik ang pag-ulan ni ‘Vinta’ sa Mindanao.

Naiangat ng rescuers ang may 36 pang bangkay mula sa Salog River sa Mindanao, ayon sa report ng mga opisyal, kung saan marami pa umanong patay sa Zamboanga peninsula, at ayon sa pulisya ay 81 katao pa ang nawawala.

Inanod sa ilog ang ilang bangkay matapos bahain ang mga bayan, ayon naman sa sinabi ng hepe ng Sapad town sa AFP.

Kada taon ay binabayo ang Pilipinas ng 20 bagyo, karamihan ay mapanganib, kung saan bihirang dalawin ang Mindanao na may 20 milyon ang populasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?