237

Feb 25, 2019 @ 21:02
By

Death threats sa mga pari, pakana ng mga kalaban ko – Duterte

Itinuro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko na siyang may pakana sa pananakot sa mga pari.

Sa kanyang talumpati sa 1st National Assembly of Liga ng mga Barangay sa Pilipinas sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na ang kabila ang gumagawa ng mga pananakot at sinakyan lang ang mga personal na banat nito sa mga alagad ng simbahan.

Personal aniya ang away niya sa Simbahang Katolika at sinasagot lamang nito ang mga banat sa kanya ng ilang pari at obispo kaya huwag aniyang totohanin ng mga drug addict ang sinabi nito na holdapin at patayin ang mga ito.

Sinabi ng Pangulo na hindi kasali ang mga alagad ng simbahan at ilang religious leaders sa away politika kaya huwag isali ang mga ito.

“Ang sagot ko ganito, ‘yang aming away sa Katoliko amin lang ‘yan personal, kayong mga adik ‘wag ninyong totohanin ‘yung pukpukin ‘yung bishop at kardinal, hindi sila kasali sa political ruckus. Huwag niyo patayin mga obispo at pari, it is not allowed, kayong mga imam, ‘pag ginawa mo ‘yan ako mismo kalaban mo, kasi ginawa mo ‘yan para siraan ako,” anang Pangulo.

Wala aniya siyang mapapala kung patayin niya ang mga pari kaya tigilan ang pananakot sa mga ito dahil baka mas marami ang mabibiyuda kapag ginawa ito.

“Ano makuha ko, bakit ko patayin ang pari. ‘Pag ginawa mo ‘yan sa kanila, ako mismo kalaban mo, ako hihirit sa inyo kasi ginagawa niyo ‘yan para siraan ako. Ano naman makuha ko para patayin ang pari. Mas marami pang mabiyuda malay mo, tatlo ang girlfriend ng mga g*gong ‘yan,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?