79

Jan 17, 2019 @ 14:41

Death threat para kay Trillanes, ilusyon lang! – Palasyo

Guni-guni lamang ni Senator Antonio Trillanes IV ang pahayag na may banta sa kanyang buhay.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang tugon sa pahayag ng senador na nakakatanggap umano ito ng mga pagbabanta mula sa kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Panelo na nag-iilusyon lang ang senador dahil ang katunayan ay hindi siya pinapansin ng Presidente.

Hindi na aniya magtataka ang Malacañang kung may bagong sasabihin ang senador dahil hibdi siya nagtatagumpay na mapansin ni Pangulong Duterte.

“Guni-guni niya lang yon. He is being ignored nga eh, hindi siya pinapansin, di ba? He’s an illusionist. I’m not surprised,” ani Panelo.

Nauna rito, inihayag ni Trillanes na hiniling niya sa Commission on Elections ( Comelec) na ma-exempt siya sa gun ban dahil sa mga pagbabanta umanong natatanggap nito mula sa kampo ng Presidente.

Si Trillanes ang isa sa mga nangungunang kritiko ni Pangulong Duterte pati na sa kanyang pamilya na humantong pa sa pagsasampa ng demanda sa korte dahil sa paninira umano nito, partikular kay Presidential son Paolo Duterte.(aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?