51
joma-sison
May 25, 2018 @ 12:40

‘Death threat’ ni Duterte, tinawanan lang ni Joma Sison

Binalewala lang ni National Democratic Front of the Philippines chief political consultant Jose Maria Sison ang banta ni Pangulong Rodrigo na ipapatay siya nito kapag hindi naging matagumpay ang peace talks.

“PRRD has repeated so many times the threat to kill me that sometimes I surmise that the expression ‘kill’ has actually become a term of endearment, as in some American comedies,” pahayag ni Sison sa isang statement na nakalagay sa website ng NDFP.

“I will not reply to PRRD in any hostile manner, unless he actually wrecks the work already done by the negotiating panels to prepare the resumption of formal peace talks. It seems to me that in using strong words he is eager to resume the peace negotiations rather than to block them,” sambit pa nito.

Kumpiyansa si Sison na magiging maayos ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan maliban na lang kung umurong muli ang rehimeng Duterte.

Sa kanyang speech sa Davao noong Huwebes, nagbanta si Duterte na kanyang ipapatay si Sison kapag bumagsak ang usapang pangkapayaan sa pagitan ng gobyerno ng makakaliwang grupo.

“Sabihin ko talaga sa kanya, ‘P— ina mo, huwag ka na bumalik dito. Papatayin talaga kita’.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?