83

Aug 29, 2019 @ 13:33
By

Death squad sa Negros Oriental, iimbestigahan ng PNP

Wala umanong impormasyon si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde tungkol sa anti-communist group na kung tawagin ay KAGUBAK o Kawsa Guihulnganon Batok Komunista na sangkot umano sa serye ng pagpatay sa Negros Oriental.

Sa isang ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na unang beses pa lang umano niyang narinig ang grupong KAGUBAK sa Negros Oriental.

“Personally first time ko narinig ‘yan (KAGUBAK) pero wala din report din ‘yung ating regional director diyan or even the provincial director on the existence of that alleged death squad. We will investigate that. I will have to talk to the PD there kasi bago ‘yung PD natin doon and I would have to talk with the RD kung totoo ‘yung existence ng death squad,” saad ni Albayalde.

May hit list din umano ang nasabing death squad na umaabot na sa lima hanggang 15 katao ang napatay nito lang mga nakalipas na buwan, base na rin sa isiniwalat sa Senate hearing.

“Well ang isa ‘yan ay iniimbestigahan at ‘yung mga alam ko ‘yung iba or majority sa mga naging biktima ng patayan have only one in common, they have leanings on the left kaya nga tinitingnan natin dito baka puwedeng purging ito on their own kasi ginagawa nila ‘yan. They sacrifice their own and then they blame the security forces, the AFP and PNP. So hindi na po bagong propaganda ‘yan itong mga left leaning groups na ito,” paliwanag ni Albayalde.

Base kasi sa isinagawang Senate hearing na pinamunuan ng Senate Committee on Public Order nitong nakaraang Martes, sinabi ng ilang senador ang impormasyon hinggil sa nasabing death squad at mayroon umano itong mga listahan ng mga prominenteng tao na lilikidahin sa Negros Oriental.

Pinapoprotektahan din ni Senadora Risa Hontiveros sa pulisya ang mga taong nasa hit list.

Samantala, ayon naman kay Senador Ronald dela Rosa na kinakailangang malaman kung sino ang nasa likod ng grupong KAGUBAK at para mahinto ang patayan sa nasabing lalawigan. (Edwin Balasa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?