18

By

Death penalty nais buhayin ni Dela Rosa ‘pag naging senador

Sharing is caring!

Pormal nang naghain ng certificate of candidacy si Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

“I am serious in running for the Senate,” saad ni Dela Rosa, na kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga kanyang target na maihain sa Senado ay ang pagbalik ng death penalty laban sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga at heinous crimes tulad ng murder at rape.

Ito ang kauna-unahang pagsabak sa politika ni Bato, at kung papalarin, siya ang magiging ikalawang PNP chief na magkakaroon ng puwesto sa Senado kasunod ni Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Ang kanyang magiging campaign slogan ay “Itaga mo sa bato.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?