900

Apr 27, 2019 @ 20:51
By

Death penalty kalokohan ‘yan – Diokno

Tinanong isa-isa ang mga kandidato sa pagka-senador hinggil sa isyu ng pagbuhay sa death penalty sa ginawang senatorial debate nitong Sabado.

Pinakanagmarka ang sinabi ni senatorial bet Chel Diokno na “kalokohan” ang parusang kamatayan.

“Kalokohan ‘yang death penalty na ‘yan. If we want to stop the war on drugs, make sure that those who are doing this are punished,” giit ni Diokno.

Dagdag pa niya, sa war on drugs ang tinitira umano ay puro mahihirap.

“Nasaan ang mga drug lord? Sa totoo lang, takot ang gobyerno,” hirit pa ni Diokno.

Kabilang sa hindi pabor sa death penalty si Gary Alejano, Romy Macalintal at Samira Gutoc dahil hindi umano maayos ang justice system sa bansa at ang mapapatay lang aniya ay mahihirap.

Pabor naman si Bato dela Rosa pero hindi aniya para sa lahat kundi para sa mga drug trafficker.

Dapat umanong mag-concentrate sa mga mayayaman na nagpapabaha ng shabu sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?