6

Jul 30, 2020 @ 12:22
By

Death penalty ‘di solusyon sa gutom, kawalang-trabaho – Pangilinan

Kinuwestiyon ni Senador Francis Pangilinan si administration Senator Ronald “Bato” dela Rosa kasunod ng privileged speech na nanawagan para maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

“Maaari bang ipaliwanag ni Sen. Dela Rosa kung paano makakatulong ang reimposition ng death penalty sa pinakamatinding problema ng kawalan ng hanapbuhay at trabaho at pinakamatinding problema ng pagkalat ng COVID sa ngayon?,” tanong ni Pangilinan sa question hour sa plenary ng Senado.

“So naniniwala ang butihing Senador na sa gitna ng pandemya, na milyun-milyon ang walang trabaho at ginugutom na, dapat pa rin top priority ng Administrasyon na ibalik ang death penalty? Tama po ‘yon?” dagdag nito.

Aminado naman si Dela Rosa na nahaharap sa matinding health at economic crisis ang bansa subalit iginiit nitong isang global pandemic din ang problema sa droga.

Subalit sinabi ni Pangilinan na ito ang nakikitang niyang solusyon para maresolba ang problema sa pandemya.

“Kung walang solusyon sa COVID, walang economic recovery, walang solusyon sa gutom at kahirapan,” sambit nito.

Noong Martes, hinirit ni Pangilinan na magbitiw na sa puwesto si Health Secretary dahil mahina nitong pagtugon sa problema sa pandemya.

Sa nakalipas na taon, lalo lang aniyang lumubha ang stiwasyon ng COVID-10 sa bansa dahil sa mahinang pamumuno ni Duque.

Nitong Hulyo 29, lumampas na sa 85,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?