102

Jul 24, 2018 @ 11:34
By

Death penalty bill, hindi apektado ni GMA – Palasyo

Kumpiyansa ang Malacañang na walang magiging epekto sa isinusulong na death penalty bill ang pag-upo ni dating pangulo at ngayo’y bagong House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakalusot na sa Kamara ang death penalty bill at nasa Senado na ang bola kaya walang pangambang maharang ito ng bagong liderato.

Tutol si Arroyo sa parusang bitay at panahon ng kanyang administrasyon nang ipawalang-bisa ang parusang kamatayan.

Sinabi ni Roque na nakasalalay na sa Senado kung makakalusot ang death penalty bill na nais ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga krimeng may kinalaman sa iligal na droga.

“Naaprubahan na ‘yan ng Kamara so ang aksiyon po ngayon pagdating sa death penalty ay nasa Senado na. Hindi makakaapekto ang liderato ni GMA sa Mababang Kapulungan sa death penalty,” ani Roque.

Nais ni Pangulong Duterte na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa para ipataw sa mga sangkot sa illegal drug trade partikular na ang mga drug lord at mga sangkot sa karumal-dumal na krimen dahil sa epekto ng ipinagbabawal na gamot. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?