69

Dec 18, 2018 @ 11:55
By

Death anniversary ni Jonghyun inaalala

Inalala ng mga fan, SHINee members at ng SM Entertainment ang pagkamatay ng sikat na singer at miyembro ng Korean idol group na SHINee na si Jonghyun.

Umani ng mahigit 800,000 views ang ginawang tribute video ng SM Entertainment para kay Jonghyun bagamat walang kahit na anong nakasulat, ramdam ng mga fan ang pagka-miss sa singer.

Nagpost naman ng isang maiksing video ang ka-banda niyang si Key, kung saan makikitang todo ngiti si Jonghyun sa background.
https://www.instagram.com/p/BrftC0TAnbR/

Sa story naman ni Minho, isa ring miyembro ng SHINee, nakascreenshot ang video na gawa ng kanilang label at may gif na anghel.

Inline image

Maraming fan ang nagpahayag ng kanilang sentimiyento ngunit isa lang ang nais nilang sabihin, ang sikat na singer ay nag-iwan sa kanila ng hindi makakalimutang mga alaala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?