26

By

DeAndre Jordan nakipag-deal sa Mavericks

Sharing is caring!

Nagkasundo umano ang Dallas Mavericks at si DeAndre Jordan para sa one-year at $24.1 million contract.

Umayaw umano si Jordan sa player option sa Los Angeles Clippers, ayon sa league sources ng ESPN.

Tatlong taon na ang nakalipas matapos pumayag noon si Jordan na sumama sa Dallas bilang unrestricted free agent pero nagbago ang isip nito bago pa man magkapirmahan at nagdesisyong manatili sa LA Clippers.

Sakaling matuloy ang kasunduan, malaki umano ang maitutulong ni Jordan sa rebounding at shot-blocking sa Mavericks na kakulangan na ng koponan magmula nang una nilang kampeonato taong 2011.

Nag-average noong nakaraang season si Jordan ng 12.0 points at 15.2 rebounds.

Halos buong career niya ay inilaro sa Clippers matapos siyang mapili na second round pick sa 2008 NBA Draft.

Siya na lang ang nalalabing key player ng “Lob City” era matapos ang trade ni Chris Paul sa Houston Rockets at paglipat naman ni Blake Griffin sa Detroit Pistons. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?