95

Nov 6, 2017 @ 17:00
By

Dean Nilo Divina ‘big brother’ ng Aegis Juris?

Nananatiling misteryo sa ilang senador kung sino ang “Big Brother” ng Aegis Juris fraternity na kumumpas umano para magtakipan ukol sa pagkamatay ni Horatio “Atio” Castillo III sa fraternity hazing.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, naniniwala ang ilang kapwa niya senador na si Atty. Nilo Divina, dekano ng UST Civil Law School, ang tinutukoy na big brother.

Pero hindi kumbinsido si Lacson dahil wala siyang nakitang matibay na ebidensya ukol dito.

“Most of my colleagues are of the belief na ang Big Brother is supposed to be Dean Divina,” ani Lacson.

Ganito ang hinala ng ilang senador dahil si Divina ang lumilitaw na “most influential” sa mga senior member ng fraternity.

“Hindi ako. Most of my colleagues. Ako, I’m open, wala akong conclusion na strong enough to suspect na si Dean Divina yan. It could be anybody else but not elders,” dagdag ng senador.

Sa pagdinig ng Senate Committee on public order and dangerous drugs, sinabi ni ng fraternity member na si Atty. Eric Fuentes na “elders” o mga senior member ng Aegis Juris ang tinutukoy niya na “big brother” na nagpadalo sa kanila sa Senate hearing at nagpabigay ng suporta kay John Paul Solano.

Pero ayon sa itinuturing sa ngayon na testigo sa hazing na si Marc Anthony Ventura, isang Atty. Bernardo ang tinatawag na big brother.

Dumalo sa pagdinig si Atty. Arnel Bernardo na aminadong founding member ng fraternity na nagsabi na wala siyang malay na tinatawag siyang big brother ng frat members.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?