85

By

‘Deadpool’ star Ryan Reynolds, ‘bagong miyembro’ ng EXO

Naka-bonding ni Hollywood actor Ryan Reynolds ang South Korean-Chinese boy band na EXO.

Super viral ang post niya kasama ang grupo at mayroon nang 1.4 million likes.

Nakasama ni Ryan ang EXO sa pagbisita niya sa South Korea para sa world premiere ng kaniyang action film na “Six Underground”.

Nagbiro pa siyang thrilled siya bilang newest member ng EXO at seryoso siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?