16
views
tj-miller

‘Deadpool’ actor T.J. Miller inaresto dahil sa pekeng bomb report

Sharing is caring!

Tumawag si actor T.J. Miller sa 911 para i-report ang isang babae na kanyang nakasagutan dahil sa maingay na pakikipag-usap ng huli sa cellphone sa loob ng tren.

Sinabi nitong may bomba sa loob ng bagahe ng babae na kasabay niya sa loob ng tren mula sa Washington papuntang New York.

Ayon sa prosecutors, mali ang ibinigay na train number ng aktor at walang nakitang pampasabog matapos palabasin ang mga pasahero sa Westport, Connecticut.

“I am worried for everyone on that train,” sabi umano ni Miller. “Someone has to check that lady out.”

Nabatid na wala sa tren si Miller dahil pinaalis ito sa New York ng Amtrak staff dahil umano sa hinala na nakainom ang aktor na nakipagsagutan sa mga babae sa loob ng tren.

Nahaharap si Miller sa limang taon na pagkakulong sakaling mahatulan ng korte.

Inaresto ang “Deadpool” actor noong Lunes sa LaGuardia Airport sa New York at pinalaya dahil sa inilagak na $100,000 bond.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?