51

By

Deadline sa pagpapasa ng SOCE, inusog ng Comelec

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na itinakda sa Hunyo 13 ang deadline sa paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga tumakbo noong May 13 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito umano ay dahil pumatak sa Independence Day ang orihinal na deadline na Hunyo 12.

Sa ilalim ng batas, lahat ng kandidato at political party ay dapat magbigay ng kanilang itemized SOCEs, sa loob ng 30 araw matapos ang araw ng eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?