36

Jun 15, 2020 @ 16:03
By

Deadline sa pagbabayad ng kontribusyon, pinalawig ng SSS

Pinalawig pa ng 15 araw ng Social Security System (SSS) ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon.

Sa advisory sinabi ng SSS, maaaring bayaran hanggang June 30 ang kontribusyon para sa mga buwan ng Pebrero, Marso at Abril sa mga regular na empleyado.

Samantala, sa mga household employer, voluntary, self-employed at non-working spouse member, ang extension ay para sa kontribusyon ng unang quarter ng 2020.

Nauna nang pinalawig ng SSS ang deadline ng contribution payment hanggang June 15 dahil sa coronavirus crisis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?