7

By

Deadline sa aplikasyon, nominasyon para sa Chief Justice, iniurong ng JBC

Sharing is caring!

Pinalawig ng Judicial and Bar Council (JBC) ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa bakanteng posisyon ng punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ang posisyon ay nabakante kasunod ng pagreretiro si Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro noong October 10, 2018.

Mula sa orihinal na petsa na October 15, iniurong ng JBC ang deadline sa October 26.

Samantala, tinanggihan ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo ang kanyang automatic nomination para sa posisyon bilang isa sa limang most senior associate justice ng Korte Suprema.

Sa kanyang liham na may petsang October 12, 2018 sa JBC, tinukoy ni Del Castillo na siya ay sasapit na sa mandatory retirement age na 70 sa susunod na taon at abala rin umano siya bilang Chairperson ng 2018 Bar Examinations.

“I am honored to be automatically nominated to the post of Chief Justice of the Supreme Court…My compulsory retirement next year, however, compels me to respectfully decline the nomination. I foresee that, as Chairperson of the 2018 Bar Examinations, my work will extend to the months just prior to my retirement. That will leave me not much time to embark on notable projects that a Chief Justice will normally want to have an imprint on,” saad ni Justice Del Castillo na magreretiro sa July 29, 2019.

Ang apat na iba pang most senior associate justice na otomatikong nominado sa posisyon ay sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Estela Perlas-Bernabe.

Mula sa kanila, tanging sina Peralta at Bersamin pa lamang ang tumanggap ng nominasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?