5

By

Deadline ng pagpaparehistro ng political parties, inurong sa Lunes

Sharing is caring!

Sa halip na bukas, sa Lunes (Hulyo 16) na ang huling araw para magparehistro sa Comelec ang mga partido politikal kaugnay sa pambansang halalan sa darating na Mayo.

Base sa Resolution No. 10395 na inilabas ng Comelec, dahil sa natapat ng Linggo ang itinakdang July 15 deadline, ang pagsusumite ng mga petisyon ng mga partido politikal ay tatanggapin hanggang alas-singko ng hapon sa Lunes, Hulyo 16.

Samantala, ang pagpaparehistro para sa koalisyon ng mga partido ay itinakda naman sa Agosto 31, araw ng Biyernes.

Sinabi pa ng komisyon na ang mga petisyon para sa pagpaparehistro ay isusumite sa Clerk of the Commission at kinakailangang magbayad ng P10,100 ang petitioner.

Paalala pa ng Comelec, ang pagpaparehistro naman ng mga botante ay magtatapos sa Setyembre 29 kaya maaari pang magpatala mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, Lunes hanggang Sabado, maging holidays.

Sa ngayon, mayroon nang 169 na nakarehistrong partido politikal sa bansa. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?