31
ABANTE judicial and bar council jbc
Aug 22, 2019 @ 15:58
By

Deadline ng application para sa Chief Justice post, pinalawig ng JBC

Pinalawig ng Judicial and Bar Council (JBC) ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon para sa Chief Justice post.

Ayon kay Justice Secretary at JBC member Menardo Guevarra, iniurong sa Setyembre 2 mula sa orihinal na Agosto 20 ang deadline ng mga aplikante para sa puwestong babakantehin ng magreretiro nang si Chief Justice Lucas Bersamin.

Ito ay upang makahimok pa aniya ng mas maraming aplikante.

Tinanggap na nina Supreme Court Associate Justices Diosdado Peralta at Estela Perlas-Bernabe ang awtomatikong nominasyon sa kanila.

Tatlo pa lamang ang nagpaulat na nagsumite na ng kanilang aplikasyon, kabilang dito ang kakahain lang na si SC Associate Justice Andres Reyes Jr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?