10
lydia-de-vega
By

De Vega-Mercado ika-2 Palaro Lifetime Achievement awardee

Sharing is caring!

KINILALA ang inspirasyon at mabuting ehemplong hinatid sa mga Pinoy, lalo na sa mga atleta ni dating Asia’s Fastest Woman Lydia de Vega-Mercado nang parangalan ng Department of Education (DepEd) bilang pangalawang Palarong Pambansa Lifetime Achievement Awardee sa pagbubukas ng ika-61 o edisyong 2018 ng okasyon sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur dito.

Isa sa astig na produkto ng athletics sa Palaro ang ngayo’y 54-anyos na at tubong Meycauayan, Bulacan na si Diay, tawag kay Lydia, na nag-PP champion sa kanyang paglahok noong 1976 sa Lucena at nung 1977-78 parehong sa Cagayan de Oro. Impresibo ang mga naging oras niya sa sprints event upang mapabilang sa national youth team.

Pero hindi personal na natanggap ni De Vega-Mercado ang parangal dahil sa pagko-coach sa isang Singapore university kaya ang mga anak na sina Jonathan at Stephanie “Paneng” Mercado, naka-gold medal din sa Palaro gaya ng ina sa NCR girls indoor volleyball at naging national team member din.

Agad ding nakapasok sa national track and field team si Lydia sa pagkalinga ng Project Gintong Alay noong dekada 80 at nagreyna sa 100-meter dash ng 1982 New Delhi at 1986 Seoul Asian Games. Pati sa 100 at 200m ng 1983 Kuwait at 1987 Singapore Asian Athletics Championships.

“Masaya po kami at nagpapasalamat sa DepEd sa award na ito,” komento ni Paneng, na naging De La Salle University varsity player na nag-champion sa UAAP makalipas ma-scout ni 10-time UAAP champion coach Ramil de Jesus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?