0
views

By ,

De Mesa, Padua, PNP kakaldagin si Angara, Senate sa semifinals

Sharing is caring!

Target ng Philippine National Police Responders at Ombudsman Graftbusters na makaharap ang isa’t isa sa best of three title series ng 2nd UNTV Cup Executive Face-Off sa oras na makaharap na nila ang kanilang kalaban sa semis, Sabado sa Pasig City Sports Center.

Makakatapat ng PNP ang pang-apat na Senate Sentinels bandang alas tres ng hapon habang ang Graftbusters naman ay planong tapusin ang Judiciary Magis bandang 4:30 ng hapon.

Parehong may twice-to-beat advantage ang PNP at Ombudsman dahil nasikwat nila ang una at ikalawang spot sa eliminations.

Nais kunin ng PNP ang kampeonato dahil nabigo ang junior counterpart nito na kunin ang titulo matapos pataubin ng Senate Defenders sa regular na UNTV Cup.

Nitong weekend, winalis ng Responders ang single-eliminations matapos talunin ang Malacanang-Philippine Sports Commission 97-90 sa pangunguna nina Joel De Mesa at Anthony Padua.

Aasahan naman ng Sentinels ang bangis nina Senador Sonny Angara at Joel Villanueva at si Warren Tan sa muli nitong pagharap sa Magis.

Natalo ng Magis ang Sentinels sa unan nitong pagkikita, 69-61, nanguna sa Magis si Joey Yabut na may 30 puntos habang 14 puntos naman ang ambag ni Court Administrator Midas Marquez. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?