281

Aug 27, 2019 @ 14:33
By

De Lima ‘wag bigyan ng special treatment – Revilla

Mariing tinutulan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang petisyon na payagang makasali sa sesyon ng Senado sa pamamagitan ng teleconferencing si Senadora Leila de Lima na ayon sa kanya’y isang uri ng ‘special treatment’.

“The double standards and sense of entitlement of some people are frankly quite disheartening,” sabi ni Revilla sa isang statement.

Ayon sa senador, noong panahon na siya’y nakakulong sa Camp Crame, tinutulan diumano ng ilang personalidad ang kanyang partisipasyon sa Senate proceedings.

“When I was incarcerated due to politically motivated charges, which the Court has finally settled in my acquittal, a very vocal group were against my participation in Senate proceedings,” sabi ni Revilla.

“It is funny that among that group were Leila De Lima herself and some of those signatories in the open letter released yesterday,” pagpapatuloy pa nito.

Ang tinutukoy ni Revilla ay ang ‘collective statement’ na naunang inilabas sa media kung saan hinikayat nito ang Senado na payagang mag-participate sa Senate session si De Lima.

Ang statement ay nilagdaan nina dating Pangulong Benigno Aquino III, mga dating Senador na sina Rene Saguisag, Wigberto Tañada Sr., Bam Aquino, Sonny Trillanes, Mar Roxas, Serge Osmeña at Francisco Tatad.

Noong nakakulong diumano sila noong kasama sina dating Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, sinabi ng dating liderato ng Senado noon na hindi sila kawalan sa institusyon.

“Wala yang pinagkaiba sa sitwasyon ko noon. Halatang halata naman ang special treatment ‘pag pinayagan ‘yan ngayon,” ani Revilla.

“Equal protection and fair play dictate that Leila De Lima cannot be allowed to participate in Senate proceedings, even if only remotely,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?