387

Feb 27, 2020 @ 18:20
By

De Lima violator din ng human rights – Panelo

Dapat umanong ma-ban din sa Amerika si Senadora Leila de Lima dahil lumabag din ito sa karapatang pantao.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos kumpirmahin ng kampo ng senadora na isinumite na nito ang listahan ng mga opisyal ng Pilipinas na dapat mai-ban sa pagpasok sa US dahil sa pagpapakulong sa kanya.

“Yung amendment refers to violators of human rights diumano and allegedly she is one of those victims but she’s forgetting that she’s also a violator of human rights. Kaya nga siya nakademanda eh,” wika ni Panelo.

Nakulong si De Lima sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame noong Pebrero 2017 dahil sa umano’y pagkakadawit sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?