59

Feb 5, 2020 @ 18:59
By

De Lima umapela sa pagbasura sa petisyon vs verbal attack ni Duterte

Umapela si Senadora Leila de Lima sa Korte Suprema na i-reconsider ang nauna nilang resolusyon na nagbabasura sa kanyang petisyon na habeas corpus para protektahan ang kanyang sarili mula sa mga ‘verbal tirades’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naghain ang legal counsel ni De Lima na si Jose Manuel Diokno ng motion for reconsideration na humihiling sa Korte Suprema na ikonsidera ang kanilang resolusyon na ayon sa kanya’y “has twisted the doctrine of presidential immunity out of all sense of meaning.”

Inihain ni De Lima ang mosyon matapos ibasura ng Korte Suprema ang habeas data petition na inihain nito noong 2016 para pigilin si Duterte na magbigay ng mga ‘discriminatory remarks’ laban sa kanya.

Layunin din ng kanyang petisyon na pigilan din si Duterte na gamitin ang government resources para makakuha ng personal na impormasyon para magamit laban sa kanya.

“[T]he Resolution has twisted the doctrine of presidential immunity into a grotesque version of itself, inoculated the President from accountability for egregious conduct, and placed an insurmountable barrier to the search for truth and the vindication of basic rights,” sabi ni De Lima sa kanyang mosyon.

“The Resolution gives President Duterte untrammeled and unbridled power to slut-shame, discriminate, insult, offend and bad-mouth the petitioner for as long as he sits on his presidential throne,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?