560

Dec 2, 2021 @ 17:57
By

De Lima susugpuin kagutuman sa ‘Pinas

Naghain si Senadora Leila de Lima ng panukalang batas para wakasan ang kagutuman sa Pilipinas at protektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa sapat na pagkain.

Sa kanyang Senate Bill No. 2458, itinakda ang target na sa loob ng sampung taon, maaabot ang zero hunger.

Iminungkahi rin ni De Lima ang paglikha ng Commission on the Right to Adequate Food, na ikakabit sa Office of the President.

“The commission shall be the primary policy-making and coordinating body to guarantee full exercise of the right to adequate food. It shall formulate a national food policy consistent with the policy formulated by the Inter-Agency Task Force on Zero Hunger,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?