135

Apr 22, 2021 @ 21:21
By

De Lima: Satanas hindi lumalabas ng Malacañang

Ayon kay Senadora Leila de Lima, imposibleng may kaugnayan kay Satanas ang organizer ng Maginhawa community pantry dahil hindi naman aniya umaalis ng Malacañang si Satanas.

“Imposibleng si Satanas ang kumausap kay Patreng, taliwas sa sinabi ni Gen. Parlade. Hindi naman lumalabas ng Malacañang si Satanas,” tweet ni De Lima, April 22, 2021.

Tinutukoy ni De Lima ang tila naging pagkukumpara ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lt. General Antonio Parlade Jr. kay Ana Patricia Non, ang utak ng Maginhawa community pantry, kay Satanas na nagbigay ng mansanas kay Eba.

“Alam mo ba isang tao lang ‘yan ‘di ba? Isang tao lang si Ana. Same with Satan. Si Satan binigyan ng apple si Eve, doon lang nagsimula ‘yun,” wika ni Parlade nang hingan ng opinyon tungkol sa mga community pantry, sa panayam sa One News noong Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?