40

Aug 16, 2019 @ 18:41
By

De Lima salang agad sa pagdinig matapos bisitahin ang ina

Humarap muli si Senadora Leila de Lima sa pagdinig kaugnay ng kaso niyang may kinalaman sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison matapos makabalik sa Camp Crame mula sa Bicol.

Ayon sa abogado niyang si Atty. Boni Tacardon, dalawang oras lang ang tulog ng senadora dahil emosyonal pa rin ito matapos mabisita ang inang may sakit sa Bicol.

Alas-nuwebe ng umaga nang dumating si De Lima sakay ng coaster ng Philippine National Police mula sa Camp Crame.

Halos isang oras lamang ang isinagawang pagdinig sa kinakaharap na kaso ni De Lima kung saan closed-door ito para sa mga mamamahayag.

Alas-11:00 ng umaga nang makabalik ang senadora sa PNP custodial facility.

Nagpasalamat si De Lima sa panahon na ibinigay ng korte para mabisita niya ang kanyang ina na may sakit kahit ilang oras lamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?