67

Aug 20, 2019 @ 16:16
By

De Lima sa UP Walkout: Kaisa ninyo ako sa laban

Nagpahayag ng suporta kanina si Senador Leila de Lima sa “UP Day of Walkout and Action” ngayong Agosto 20 na dinaluhan ng mga guro at estudyante para igiit ang kanilang oposisyon sa presensiya ng mga security forces sa kanilang campus.

“Kung kayong mga kabataan ay hindi tumitigil sa paghugot ng aral sa lipunan, buong-puso pa ring yumayakap sa mga aping sector, matapang na lumalaban sa isang sistemang paulit-ulit na lang tayong niyuyurakan, anong karapatan naming mga matatanda para sumuko na lamang?” sabi ni De Lima sa isang pahayag.

“Salamat sa inspirasyon. Kaisa ninyo ako sa inyong laban. Mahirap gumalaw. Mahirap kumilos. Bawat salitang bitawan mo, baka bala na ang katumbas,” babala pa nito.

Pinuri pa senadora ang UP community dahil sa kanilang pagkontra laban sa “military intrusion” lalo na’t ilan sa mga kapwa nila estudyante ay dinukot, tinortyur at hanggang ngayon ay nawawala, gaya nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

“Pwede namang hindi na lang makialam. You can just enjoy life … But you chose not to. You chose not to allow the culture of fear and impunity to permeate deeper into our core,” mensahe ni De Lima.

“This is not the future that the brave young men and women of the Diliman commune have envisioned for you, and this is certainly not the future that you want for the generations to come,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?