1,321

Nov 19, 2021 @ 20:05
By

De Lima sa pasabog ni Duterte: Siya dapat pinakulong mo, hindi ako

Sinabi ng nakakulong na si Senadora Leila de Lima na kahina-hinala ang motibo ni Pangulong Duterte sa pagsasabing gumagamit ng cocaine ang isang kandidato sa pagka-pangulo.

Saad pa ni De Lima, dapat ang naturang adik na kandidatong hindi pinangalanan ni Pangulong Duterte ang ipinakulong nito at hindi siya.

“While unnamed, it’s pretty obvious who he’s referring to. Kung ganoon, dapat pala siya ang pinakulong mo, hindi ako. Hindi ba kasama ang cocaine sa drug war mo?” reaksyon ni De Lima sa pasabog ng Pangulo kagabi tungkol sa cocaine user na presidentiable.

Buhat noong 2017 ay nakakulong na sa Camp Crime si De Lima dahil sa mga kasong may kaugnayan sa droga.

Nitong taon naabsuwelto ang senadora sa isa sa tatlong drug case laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?