1,036

Apr 26, 2020 @ 18:57
By

De Lima sa pagbaril kay Ragos: Inutos ni Duterte ang pagpatay sa mga violator

Kinondena ni Senadora Leila de Lima ang nangyaring pamamaril sa dating sundalo na si Winston Ragos na nauwi sa pagkamatay nito.

Nanawagan ng hustisya si De Lima dahil naniniwala itong mayroon umanong ‘insatiable bloodlust’ sa ilang pulis, na humantong sa pagkamatay ng isang sibilyan.

Tanong ni De Lima, ilang inosente at walang laban na indibiduwal pa ang mamatay dahil pinapalabas na sila’y pinapalabas na nanlaban?

“Their being an executioner doesn’t even choose a time or place. In this alleged war on drugs, how many innocent and defenseless people, some are children and with disability, have been killed that they portrayed as someone who retaliated?” ayon sa nakadetineng senadora.

“And now that the ECQ rules are being implemented, how many Winston Ragos would be the victims of these senseless and trigger-happy cops?: aniya pa.

Sa ngayon ay nahaharap sa reklamong homicide si Police Master Sergeant Daniel Florendo dahil sa pagbaril ng dalawang beses kay Ragos.

Aniya pa, nakaimpluwesya umano ang sinabi dati ni Duterte ang ‘shoot them dead’ sa mga lalabag sa panahon ng quarantine, na dati ring order ni Duterte sa tokhang operation.

“He has openly ordered cops to kill people who’re allegedly violating law and order. This has to stop. This other tragedy, the state-inspired killings of the hapless and helpless has to end,” ayon sa mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?