27

By

De Lima sa P2.4B ‘pork’ ni Arroyo: Hindi pa rin siya nagbago

Sharing is caring!

Hindi na umano nakakasorpresa ang umano’y P2.4-billion “pork barrel” na inilaan ni House Speaker Gloria Arroyo para sa kanyang distrito, ayon kay Senadora Leila de Lima.

Nagpapakita umano ito na hindi pa rin nagbabago ang dating pangulo, na ang administrasyon ay nabalot ng korapsyon.

Sa inilabas na pahayag ni De Lima, ang umano’y insertions sa 2019 budget ni Arroyo ay hindi na nakakagulat lalo’t may history si Arroyo ng corruption.

“It is scandalous and shameless, but hardly a surprise. We do not expect anything less from Speaker Arroyo who, during her rule as President, was known for putting self-interest above public service,” ani De Lima.

“The endless string of corruption investigations and plunder inquiries that plagued her administration is legendary. In granting her district a lion’s share of the pork in the 2019 budget, Arroyo shows us that she has not changed,” dagdag pa nito.

Naunang ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na hindi ­lamang P60 milyon sa halip ay umabot sa P2.4 ­bilyon ang inilaan umanong pork barrel fund para sa distrito ni Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?